ORAS
Sa mga elemento ng buhay, ang oras ang pinakatuso. Kapag hindi mo gusto ang mga nangyayari, para bang ambagal ng oras. Kapag naman masaya ka at gusto mong ieenjoy ang bawat minutong lumilipas, tila napakabilis naman ng takbo nito. Tulad ngayon, kung puwede lang sanang ihinto ang oras para hindi na matapos yung sayang nararamdaman ko, ginawa ko na.
Oo tama ang naisulat ko. Masaya ako ngayon. Nung mawala sya, pakiramdam ko bibihira na lang ang pagkakataon na nakakaramdam ako ng totoong saya. Madalas makikita mo akong nakikipagtawanan sa opisina. Malakas mang-asar, malakas mang trip. Yun lang kasi ang alam kong outlet. Sa pagtawa ko nalalabas ang mga sama ng loob, mga hinanakit, ang lungkot. Buti na lang ibinigay ng Diyos ang mga kaibigan ko. Sila na hindi nang iwan. At hindi nagsawa sa pakikinig sa mga kabaliwan ko sa buhay. Hanggang ngayon. Ngayon kung kelan bumalik na ko sa katinuan. Uhmmm di lang halata siguro.
Bakit ko nga ba nasabi na gusto kong ihinto ang oras? Syempre may kaugnayan yun sa isang taong ngbibigay ng kulay ngayon sa buhay ko. Sana pag nabasa nya to, alam niyang siya yun. Siguro nagsasawa na siya sa kakapasalamat ko sa kanya. Well, sa totoo lang naman kasi, utang ko sa kanya yung ngiting nasa mukha ko ngayon. Siya ang 90% sa mga rason kung bakit bumabangon ako sa umaaga. (kung nagtataka ka kung ano yung 10%, yun eh dahil iihi ako. hehe).
Mahalaga ka sa akin. Sobra. Yun lang ang gusto kong sabihin. Ikaw ang tanging dahilan kong bakit gusto kong ihinto ang oras. Dahil natatakot ako, na bukas o sa susunod na bukas, pag gising ko, wala ka na. Nararamdam ko kasi eh, isang araw magpapaalam ka sakin dahil babalik ka na sa kanya. At hindi kita puwedeng pigilan. Minsan ayoko ng pahirapan sarili ko at hintayin pa ang araw na yun, kaya lang hindi kita kayang iwan. Parang akong may taning na. Kahit alam kong mamamatay na din lang ako, hindi ko na uunahan. Hihintayin ko na lang.
Kaya’t habang nadyan ka pa, hanggat ako pa ang nakikita mo, hindi ko na sasayangin ang mga pagkakataong ibinibigay sakin.
Nakakaiyak ang kanta sa background:
“…How can I not love you? What do I tell my heart? When do I not want you here in my arms? How does one walk away from all of the memories? How do I not miss you when you are gone…?”
